Sabi sa akin nung Ateista kong classmate..Hindi daw siya naniniwalang may Diyos.

Kailangan daw makakita muna siya ng pruweba bago siya maniwala.

"Bakit? Hindi pa ba pruweba para sa kanya kung paano siya nabubuhay?

Nagkataon lang ba at biglang sumulpot ang mga nilalang na tulad natin?


Nagkataon lang daw na mayroon Uniberso at ang Solar System na kung di nagkakamali yung aklat at prof ko na nakausap ko na ang mga Plateta raw ay may sistemang Grabidad na sumusuporta sa bawat isa para manatili sa posisyon nila at hindi dumiretso o pumunta sa araw. Pati daw si Newton napabulalas ng "Oh my God" at naniniwalang may dumisenyo ng Uniberso at hindi ito basta lumitaw lang.

Nagkataon lang daw na mayroong tayong katawan na kumpleto para sa lahat ng pangangailangan natin,na mayroon utak na nagpapagana sa katawan at mayroong mga sistema tulad ng Immune,Skeletal,Excretory at kung anu ano pang sistema ng katawan na may tion o tory sa hulihan (hindi kasama yung Chakra System na sinasabi sa Naruto ha).

Nagkataon lang daw kung bakit at paano tayo pino protektahan ng Immune System mula sa sakit.

Nagkataon lang daw na umiral tayo nang maayos at tamang tama na parang dinisenyo.

 Nagkataon lang daw na may ilong tayo na hindi lumitaw na nakataas(imagine nyo na lang kung paano kaya kung umulan?).

 Nagkataon lang daw na nasa maayos na posisyon yung mga mata natin...na nasa taas ng katawan natin para makakita ng maayos, ang Ulo at hindi ito basta lumitaw lang kung saan at hindi sa pwet o sa kili kile.

Nagkataon lang daw na ang pwet nya e hindi sumulpot sa kung saan. Halimbawa: Sa mukha.

Nagkataon lang daw na.... kung gusto mo pang makabasa ng mga bagay na nagkataon lang...magbasa ka na lang ng Encyclopedia o di kaya magaral ka ng mga aralin na may logy sa hulihan. Lahat daw yun sumulpot lang dahil sa "NAGKATAON" lang daw.

Hindi daw pruweba ang mga iyon...Nagkataon lang daw.

Pagkakataon nga naman.

Posted by cjaygumi on April 23, 2007 at 12:54 AM | Add a Comment

Nakita ko lang sa email.....

 

"Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga
unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa
ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga
artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang
panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa
ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman
old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung
kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan
na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,
   Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung
   ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog.
   Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon
   tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero
   marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending
   las ang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si
   Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto
   ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila
   lumalaban sa final challenge na parang nakasakay
   sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang
   water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga
   Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na
   uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106"
   hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo,
   Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123,
   Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik,
   Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong
   nakakapagod.

6. Pumunta ang mga tag! a- MILO sa skul niyo at
   namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup
 &n bsp; na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at
   nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO
   kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na
   naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na
   puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.)
   Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at
   kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang
   "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play
   safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!"
   na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game.
    (hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may
    mg a drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si
    Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin
    na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si
    Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa
    muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong
    dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw
    na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't
    Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment
    at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan
    nagpapagandahan ng production numbers ang Monday
    hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday
    group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy b ands tulad ng
    Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical
    Depression, The Teeth, The Youth, After Image,
    Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang
    sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong
    nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second
    generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong.
    Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos
    mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty
    Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga
    larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng
    pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay
    si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're
    gi rlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan,
    doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari .
    ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung
    meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may
    walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil
    masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan
    sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga
    tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a.
    Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida
    sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at
    namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas
naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.
Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang
pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng
pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung
anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng
gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero
kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng
karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa
panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan.
Di ba?"

Posted by cjaygumi on January 9, 2007 at 10:53 PM | Add a Comment

 

           Simula ng bata ako hangang sa magumpisa ako ng hayskul, nasanay na ako na nagiisa.Ayaw ko nga ng may kalaro,kausap o anupaman na mangangailangan ng kasama.Ako ang tipo ng bata na matatawag mong lonely pero hindi naman malungkot. Nabubuhay ako sa imahinasyon at mas gusto ko pang maupo at manood na lang ng T.V. o magbasa ng libro kaysa maglaro kasama ng mga bata. Oo alam ko ang iniisip mo may sarili nga akong mundo.

          Pero kinain ko rin yung paniniwala kong ito dahil sa hindi ko malaman ka kadahilanan e napabilang ako sa barkadahan ng dalawa,tatlo tapos naging apat na kami. Na hindi ko rin alam kung paano nagumpisa.

           Doon ko naisip na masarap din palang maging bahagi ng isang grupo at naisip isip kong maging friendly na pagtuntong ng college. Hindi na kasi pwedeng magbago ako nung time na iyon dahil nakilala na ako sa pagiging tahimik...at minsan suplado pa nga.

           Ito na!! Nagumpisa akong mag college sa kilalang Engineering school at doon ako nagumpisang makisama(sa matinong paraan).Pero hindi naman naging masyadong makulay ang mundo ko.

          Ewan ko, pero doon ko rin na discover na nagkakaroon lang ako ng mga kaibigan pag prelim,midterm,final exam lang. Minsan may nagiging instant barkada rin ako pag panahon ng quizes at projects.

          Hindi ko nagustuhan ang course ko at bagdesisyon akong lumipat ng school.

          Sinubukan kong kumuha ng kursong Business Administration sa isa Nursing school(Bakit?? Hindi ba pwede???).Okay ang lugar, bagaman medyo mapapailing ka lang sa facilities e hindi naman mukhang haggard at pressured ang mga estudyante.

           Ayos ang ambience.

          Doon ko naisip yung sinabi sa aking ng friend ko nung hayskul na..." Pre, Basta tumingin ka lang sa mata ng mga taong gusto mong maging kaibigan o kahit na sinong tumingin sa mata mo, then sabay SMILE". Sinabi rin niya."Expect mo rin na magmumukha kang tanga , pero ang importante ron e napaalam mong open ka at madaling lapitan".

          "WALASTIK" Ngayon ko alam ko na kung papano nya naging kaibigan ang supladong katulad ko.

           Sinubukan ko...lakad...nakakita ng dalawa..isa ..yung isa classmate ko yung iba hindi, then sabay sabay ko silang ini "SMILE".

           Doon ko napatunayan na totoo yung kaibigan ko.Kaya lang pumalpak yung una nyang sinabi..yung ikalawa ang natupad.Walang naging matinong response at wala akong naging kaibigan sa mga taong ginawan ko ng ganon...pero dahil sa sinabi ko na pumalpak lang naman yung una nyang sinabi ..dahil sa ikalawa sinabi nyang "Pwede rin akong magmukhang tanga" at yun nga ang nakuha ko.

            Dahil na rin sa pangungumbinsi ng Nanay at kuya ko.Nag shift ako ng course. Psychology!!!Tulad na rin ng inaasahan ko. Dito ko rin naisip na dito ako magkakaroon ng mga kaibigan........akala ko.Sinubukan kong maging active, umaatend din ako ng mga meetings na dati e ayaw na ayaw ko.

              Dito ko sinubukang kaibiganin yung isang kaklaseng babae( broken hearted daw) na kabe break pa lang sa dating B.F. Naging close agad kami at yun din ang kauna unahan na nagkaroon ako ng kaibigang babae.Noon kasi hindi ako makatagal ng 30 minutes sa pakikipagusap sa mga babae dahil nababagot ako sa mga kwento nila. Pero sa kanya hindi.

              Nakakatuwa nga dahil 1 month pa lang kami magkakilala e alam ko na ang talambuhay nya. Pero ito. sa hindi malamang kadahilanan e bigla na lang nagtaray at nagagalit sya sa akin.Bukod pa ron kinilala rin ako ng mga kasama kong psych na "Feeling close" daw.  Ewan dahil ata tumatambay din ako sa tambayan nila... yung Guidance office.

             Ibalik ko yung kwento sa friend kong babae. Sinubukan ko siyang tanungin kung ano ba ang problema. At bukod sa pagtataray na sagot e nakatangap pa ako ng text message na. " Dont frce sum1 to be w/u..ok.."

             "SANAMAGAN"(Mala Max Soliven na expression ba??) Ako namimilit?? Nagtanong ulit ako sa kanya pero wala na talaga siyang matinong sagot. Nalaman ko na lang sa course-mate ko na nagbalikan na sila ng B.F. nya.

              Pero para sa akin e okay lang na mangyari ang mga bagay na ito. Dahil na rin bumalik na rin yung orihinal kong paniniwala na hindi para sa akin ang pakikipagkaibigan.

              Tulad ng talento na may kanya kanyang paggagamitan.Gayundin ang personalidad. May kanya kaya ring paglalagayan. At ngayon alam ko na kung ano ang paglalagyan ko.

              Minsan naisip ko. Masaya ba yung mga taong friendly...kasi ayon na rin sa obserbasyon ko minsan mas madalas silang makatangap ng rejection kaysa sa mga tahimik na lang na katulad ko...parang mas maganda.  

Posted by cjaygumi on December 9, 2006 at 03:45 AM | Add a Comment

     

         Sabi ng ilan.."Biyaya"(a gift) raw ito...oo nga naman dahil narin kasi dito e may pagkakataon na yung mga magkasintahan na mag text ng magtext. Tulad narin ng kapatid ko na nabubuhay na lang ata sa mundo para mag text lang sa GF, nagpapalitan sila ng mga napaka importanteng messages tula ng

   0-) Babes ano,kumain k n ba?

  0+) Oo kumain na ikaw?

 0-) dpa e.Anong gawa m ngyon?

 0+)wla ng ttxt lng syo

 0-) kmusta ung bebe ko maasyos p ba?

0+) Ok nman ako ikw

0-)Ok lng nsan k n now?

0+)d2 lng sa bhay nsa kma m22log na. u?

0-) D2 rn s bhay.maaga pasok me bkas.

0+) cge m22log na q. cge gud nayt..bye!!!

0-) Gud pm..swit dreams

0+) mwwwwhhhaaaaawwww...

0-)mwwwhhhaawwww rin

0+)babay n ulit

0-)gud nayt

0+) swit dreams honey

0-) lab you tlaga

0+) bbye na tlaga....mwwwhhhah

0-) bbye n rin babes

0+) super bbye na

0-) bbye n rin i lab youuuuu

0+) I lab u rin kaw.........

........ Maniwala man kayo o hindi  e hango sa tunay na buhay ito.At maniwala man kayo o hindi e hindi pa dyan magtatapos ang usapan nila.

             Kung sa ilan e biyaya ang unlimited txt.Sa iba e hindi..at isa na ako dun.

           Nung kapanahunan na wala pang unli txt, madalas akong makatangap ng mga text mula sa mga kaibigan.Mapa globe,philtel,TM, o smart man yan. Pero ngayon may ulimited txt na, kailangan ang itetext mo lang daw e yung mga katulad mong smart!!!!! oo smart lang daw..madedeactivate daw yung unlimited txt mo pag nag text k sa iba,ganon din ang kapalaran ng Suncellular na kung di ako nagkakamali e syang me pasimula ng kalokohang unlimited txt na ito. Kaya kung gusto mong makausap ang mga friends mo kailangan lang daw e lahat sila gamit ang iisang simcard.

      

                   

Posted by cjaygumi on December 7, 2006 at 12:43 AM | Add a Comment
« · Older »