Lahat tayo familiar sa kasabihang "birds on the same feather, flock together". But are they really same in the first place? Or na adopt lang nila yung may pinaka strong na personality or majority ng ugali ng isang group?

Bilang tao, we are tend to mimic or adopt on our environment. Sabi nga, "your kind of friends will define who you are". Kasi dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari. Either na maging katulad ka nila or sila ang maging katulad mo. So paano nakaa apekto ito sa problema sa pagibig, sa ugali at sa sarili mo.

1.) BROKEN HEARTED PEOPLE - Madalas meron nakakaranas nito sa grupo. The problem is, kung nag sabay sabay at majority sa inyo e may problema sa pagibig. Nagka break up, may lokohan na nangyayri etc. Minsan kung mahina ka, kahit may maayos na pagsasama kayo ng bf/gf mo, there's a strange feeling na parang hindi mo maintindihan at lahat ng pangit na ugali na dati e maliit na bagay sayo e parang biglang na ma magnify. Lumalaki which nag ke create ng worry and sad to say, pwedeng maging cause ng tinatawag na "faded love". Then eventually, lahat or most of you sa grupo ay nagiging single.

2.) BEASTMODE PEOPLE- Usually walang effect pag isa lang ang "siga" sa grupo. Pero pag naging dalawa yan or more malaking bagay yan. Madalas mapapaaway ka dahil sa grupo mo then eventually magiging tulad ka rin nila hanggang sa mag mukha na kayong gang.

3.) HAPPY PEOPLE- Masaya pag may ganito sa grupo. Yung tipo na lahat kayo e boring na tao tapos nasamahan kayo ng isang mahilig mag hiking, mag happy hour sa bar or kahit anong masayang trip. Sila yung mangungulit na magkaroon kayo ng galaan or gimik tapos sasama kayo kahit ayaw nyo. Then eventually, mapapansin nyo sa sarili nyo na masaya pala na magkaroon ng regular na activity. Then hanggang sa lahat na kayo e regular na lumalabas at may masayang grupo.

4.) TOXIC PEOPLE- Ito yung mga tao na masyadong negative. Mahilig sa mapanirang tsismis. Yung mga taong masyadong emo at may sama ng loob sa mundo. Usually automatic iniiwasan sa grupo pero minsan may epekto din lalo na pag hindi lang siya nag iisa. Kahit anong positibo mo kung ganito naman makakasama mo. Sa huli magiging katulad ka rin nila.

Reference:

"Depression is Contagious by Michael Yapkho"

"Emotions are contagious, choose your company wisely- Psychology today (Oct 20, 2012)

"Proverbs 22:24-25"

Posted by cjaygumi on February 17, 2018 at 04:47 AM | Add a Comment

Spoiler Alert:


Bong Revilla the Movie


Episode 1: (Now Showing) Just turn on the TV na lang. 

Episode 2: Idadahilan ang init, daga, ipis kaya magkakasakit sya then ma o ospital siya at mag rerequest sila ng hospital arrest. Mag pa party sila sa loob ng selda pero sisitahin sila ng public at media. Dahil dyan, gagawa ng ingay at magagalit yung mabait, tahimik at hindi ganon ka popular na Senador na itago na lang natin sa pangalang "Mirriam Santiago" . I da dahilan na lang nila na Christian fellowship yun at hindi party since na yun lang ang pinapayagan. The same reason na ginamit ni Deniece Cornejo which is epektib naman.

Episode 3: Aatend siya ng trial na naka wheel chair at lalabas na nanghihina at inaapi. Tapos magsasalita sya sa hearing ng mga nakakaiyak na script, then habang nagsasalita siya, ifo focus sa camera si Lani at family nya na todo naman ang suporta then umiiyak ulit si Lani Mercado at mga anak nya which is acceptable naman, need kasi yun para mapaganda yung istorya. 

Episode 4: Makukulong siya pero may patago na special treatment. Palalabasin nya na lang na pangit yung kulungan at may mga daga para hindi lumabas na binibigyan siya ng pabor. Then makukulong yung dalawa pa then iiyak ulit si Lani Mercado na humihingi ng favor na sa ospital ilagay yung asawa nya...... Si Enrile kasi at that time e gagamitin ng family nya yung katandaan nya kaya expected na malamang sa Ospital siya ilagay. Maiingit si Lani dun at iiyak.

Episode 5: 2016 Presidential Election na. Mananalo si Binay sa pagka Presidente na ka alyado nila Estrada at ni Revilla. Then mababaligtad yung kaso or ma abswelto or kung na convict man sila, bibigyan sila ng pardon. Tapos iiyak sa tuwa sila Bong at Lani.  Magyayakapan sila sa harap ng media na parang nangyayari pag malapit ng matapos ang pelikula. Magpapasalamat si Bong sa mga sumusuporta sa kanila at gagawa pa siya ng pasasalamat na MTV.  Happy Ending!!!!!

Ang saya!!!!!!!!

Posted by cjaygumi on June 21, 2014 at 09:17 PM | 1 comments

Ang tiwala pala parang kandila.... Kapag natunaw, mahirap ibalik sa dati. Para ring babasaging baso, pag nabasag, may lamat na...... 

Mahirap nang ibalik sa dating itsura.... pero hindi naman imposibleng maibalik. Mahirap lang..... It takes time bago maibalik sa dati!!!!!

Pero sana habang pinagsisikapang ko na ihulma sa dati..... wag mo nang apak apakan pa ang kandila at tuluyang basagin ang baso...... Baka hindi ko na makayanang maibalik sa dati.

Posted by cjaygumi on November 9, 2011 at 10:54 AM | Add a Comment

 

   Para sa mga kaka graduate lang...congrats!!!!! Kabilang na din kayo sa lumolobong populasyon ng mga Unemployed sa Pilipinas. 

  Ito yung mga litanya na sinasabi ng mga employer or HRD ng kompanya kapag bagsak ka sa interview.....

 

1.) Tatawagan ka na lang namin- Ang pinaka sikat na linya kapag baligtad ka na....minsan kahit hindi ka pa iniinterview e sinasabi na agad sayo ito. Halimbawa na lang e una mong pinakita yung TOR mo at nakitang paborito mo palang subject e yung algebra kaya tinake mo siya ng tatlong ulit or yung results ng exams mo na kasing taas ng exams ng mga nag suma cum laude ng DOTA.

2.) Thats it, any questions?- Sa tagalog e "Wala na akong maitatanong, ikaw may tanong ka pa ba?". Kapag sa ganito tinapos yung interview sayo....malamang e yung resume mo lang yung i ha hire nila at hindi ikaw, kadalasan kasi e pinapakinabangan sa mga opisina yung likod ng resume mo.. scratch paper...ang tawag nila dun recycle..... Huwag ka nga lang maglakas loob na mag tanong na "Tanggap po ba ako?" o "magkano po ba ang sahsahurin ko" dahil malamang hindi mo din magugustuhan yung magiging response sayo.

3.) We will review the results of your tests and interviews, i ko call na lang namin yung results- Parang yung number 1 lang din. Kung sa pagtatapos ng tests mo sinabi ito at hindi ka pa na fa final interview e malamang may pag asa ka pa.. pero kung tapos ka ng ma interview at tests at ganito yung litanya sayo.....wag ka ng umasa.

4.) As of now hindi na available yung position, meron kaming i o open na ibang position na pwede kang ilagay kung gusto mo, okay lang ba sa iyo?- Pampalubag loob na litanya. Kung sa Agency ka nag a apply e okay lang...pero kung direct ka e wag ka ng umasa. Kadalasang sumasagot ng "okay lang po mam/sir" yung mga applicant, at kadalasang sinasagot naman ng employer e ganito "ok, i will call you kung available na yung (xxx) position"

5.) Ok... thats it, Thank you for your time, we will call you on friday- Sa mga na ha hire e hindi nag te thank you ang employer at yung mga na hire ang expected na mag te thank you sa kanila but since na hindi ka nila i ha hire..."thank you for your time" ang gantimpala mo. Mag bibigay din sila ng exact day kung kelan ka tatawagan. Kadalasang friday yung binibigay na palugit ng mga employer kasi yun yung last day ng isang linggo na may pasok. Pero joke lang na tatawagan ka nila. 

6.) We need people with 1-2years experience, but, we will still review your application- Madalas ganito yung sinasagot sa applicant kapag sablay. Minsan kasi may mga company na mataas yung standard at gusto nila e may experience na agad. Sila yung mga company na walang pondo para mag training ng mga new employee. Joke din na i re review nila yung resume mo.

7.) Aside from you, we have 20 applicants applying for the same position, i rereview na lang namin yung mga results ng tests at interviews nyo then we will call you - Ang totoo niyan e multo lang yung mga sinasabi nilang 20 applicants. Importante ang panahon sa mga employer, kapag may qualified sila na nakita e i ha hire na nila agad para makapag umpisa na at makapagtrabaho ka na at mapayaman mo na lalo yung may ari ng kompanya. 

 

Posted by cjaygumi on June 27, 2010 at 03:19 AM | Add a Comment

Bakit mahirap sa iba ang maging masaya
sa bagay na itinuturing nilang masaya
sila pero hindi? Ito ay sa dahilang
ang puso at isip nila ay matagal nang
sinira ng kakarampot na
kasinungalingan na umabot sa sukdulang
kawalang pag-asa. Maituturing na likas
sa ating mga tao ang magisip ng paraan
upang ayunan ang mga kaganapan sa
buhay kahit pa ito ay isang guni-
guning pangkalooban lamang at sa
tuwina ay naghahatid ng gasinulid na
pagkamulat mula sa lingkaw na
kasalanan..Maaring sentro lamang ba
ito ng kaisipang ang tao ay laya mula
sa himulmol ng pagnanasa? kaayon ba sa
panahon ang kanyang pagkanaririto? o
sadyang iminulat tayo upang walisin
ang ating sarili upang timbangin ang
minsan ay natutulog na kamalayan para
sa kaunawaan..ang sabi ng iba, "no
existence is a bound to your
beingness..that you only knows your
limitation by being there". Sa ngayon,
walumput siyam na libo at apat na
raang pagkatunganga at pagkawalang
pagkaunawa, ginigising ang kaunawaan
bilang bunga ng kawalang alam. Sino ka
para humatol? Gayong ipis ka ring
kagaya ko..

Posted by cjaygumi on June 18, 2007 at 07:12 PM | Add a Comment
Hindi pala dapat gamitin yung acronyms na "LOL"(Laugh Out Loud) sa mga pinoy chat...dahil maraming tangang mag rereply sa iyo ng "Gago!!! uLOL ka rin!!!!".
Posted by cjaygumi on June 5, 2007 at 10:24 PM | Add a Comment



1.) Hunger stroke- Kahit na gutom hindi parin kumakain.Minsan hindi makaramdam ng gutom..malalaman mo na lang na kailangan mo nang kumain kapag randam mo na nahihilo ka na.

2.) Lamoness- Ito yung tipo na gusto mo na lang kumain, lahat..basta masarap pero pag kumakain ka naman e lumilipad sa kawalan ang isipan at parang wala kang nalalasahan.

3.) Kama derie- Palaging nasa kama. Pero hindi naman natutulog.Mas feel mo na patay ang ilaw..nag iimagine ng mga good memories ninyo then kung ano yung bagay na kapalpakan na iniisip mong sana hindi nalang nanyari then saka ka magiisip na sana totoong may time machine.

4.) Kama tose- Palaging nasa kama rin. Pero para matulog lang. Tulog lang ang sagot sa problema. Magigising ka na lang para kumain ng konti, jumingel, o magbasa ng text message at nagbabaka sakali na may marereceive kang txt messages na " I miss u d q pla kyang mwala ka, tyo na ulet" or "Ikw pla tlaga ang lab q,at hindi sya".

5.) Mall freak- Feel mo na i treat na lang ang sarili. Bibili ka ng kahit na kung anong gusto mong bilhin(kapag may pera).  Sa pag uwi saka mo lang mapapansin na mga walang kwentang bagay pala ang pinamili mo.

6.) The Barkad's- Mag aaya ka ng mga kaibigan mo na mag mall kayo o mamasyal, kadalasan yung mga kaibigan na alam mong kilala at alam ang kwento ninyo. Umaasa ka rin sa mga comments na tulad ng mga ganito "Feel ko mahal ka parin nun, Siya ang may mali pare, Ipakikilala kita sa ibang kilala ko na mas maganda pa ron(my favorite), Magkakabalikan rin kayo" at iba pang comments na alam mong makakapag paginhawa sa iyo.

7.) Beermate- Common na ito.Kadalasang unang ginagawa sa unang araw na nabasted/nakipag break ang dyowa/may ibang lalaki ang dyowa/dating lalaki pala ang dyowa.
May 2 uri nito.
         
1.)Mas gusto ng may kasama para may paglalabasan ng sama ng loob.
2.)Mas prefer na walang kasama. Mas gustong nagiisa. Kapag lasing sila yung kadalasang nagpapakilalang anak ng mayor,congressman o general.

8.) Suicidal- Common na rin. Minsan panakot lang. Kadalasang may titulo na "Mahal na mahal kita" "Hindi ko kayang mawala ka"  ang mga suicide notes. Pang jologs na style e yung text message sa mahal mo na magpapakamatay ka then saka mag we wait ng mga ilang oras para sa reply nya na "Wag mong i2loy yan, mgusap tyo, mhal prin kta".

9.) Internitwit- Ito yung mga tipo ng sa internet naglalabas ng sama ng loob. Tambay ng chatrooms at nagbabaka sakaling may makikitang kapalit nya at mawawala yung pagka broken hearted in a instant. Meron ding sumasali ng mga internet forums para lang mambwiset.

10.) Haterz- Ito yung kadalasang kinauuwian ng mga mabababaw. Ito yung tipo na sisisihin ang lahat ng ka gender ng nanakit sa iyo. Nagiging favorite motto ang: "Pare pareho lang yang mga lalaki/babae..mga manloloko".

Posted by cjaygumi on June 1, 2007 at 04:39 AM | 2 comments
High school pa lang ako noon. Exam namin kaya maaga ang uwian then diretso kami kaagad sa i-cafe para mag Counterstrike. Meron isang barkadahan don na hinamon kami na mag Yuri's Revenge kami, pustahan daw. Ang matatalo e magbabayad ng 500 pesos. Hindi ako sumali...tuloy lang ako sa paglalaro ng counterstrike.

Ito naglaro na sila, habang naglalaro sila e hindi nila alam na nag quit na pala yung kalaban ng mga nila..at ito pa, kine claim nila na sila daw ang panalo.

Sabi nila

" E hindi naman natin pinag usapan kung sino ang mananalo e. Sabi namin kung matatalo nyo kami magbababayad kami, e hindi nyo kami natalo kaya talo kayo".

Marami pang sinabi ang mga mokong at nakumbinsi pa nila yung mga kasama ko na magbayad.

Habang naglalabas ng pera yung mga kasama ko. Hindi ako nakatiis sa pagpapaikot nila kaya nakasagot agad ako.


Ako: "Great!!!! Ngayon ko lang nalaman na pwede palang tawaging Winner ang mga Quitters. So, kung pupunta pala ako ng giyera e tatakbuhan ko nalang yung mga kalaban ko para manalo ako."

Sila: "E gago ka pala e!!! Ang rules nga e kung matatalo nyo kami, e hindi nyo naman kami natalo ah".

Ako: "Adik ka ba? Bakit?? Hindi pa ba pagkatalo yung pag ku quit nyo?? Mag isip nga kayo...ang tatanda nyo pa naman".

Sumagot yung isa.


Gago1: "Sinasagot ka o, pumapalag pa..hindi ka ata kilala".

Gago2: (Nangungulangot lang)

Gago3: (naka tiger look sakin, nagsasalita na siya lang ang nakakaintindi)

Gago4: "Tangna hindi nyo kami kilala huh? Suntukan tayo".

Ako: "First of all, i dont care kung sino kayo...at wala rin akong planong kilalanin kayo...and besides wala rin akong planong mag aksaya ng oras sa inyo.Suntukan? Sa itsura pa lang ng mukha mo luging lugi na ako eh. Kahit ata pasabugin ko yang mukha mo ganyan parin yan. Mayabang ka lang kasi since you have nothing to lose".

Pormang susugurin na ako ni Gago #4.

Bantay ng I-Cafe: "HOY, HOY!! ANO YAN HA. PUTANGNA NYO!!! KUNG GUSTO MAGAAWAY WAG KAYO DITO!!! MAGSILABAS NGA KAYO!!!

Ako: (diretso lang sa paglalaro...hehe kinakabahan na rin ako.)

Lumabas naman sila pero inaabangan kami sa labas.Kaya nang matapos kami e pinalabas kami ng bantay sa kabilang pinto(sa likod). Pero nakita parin kami at hinabol kami, nadapa yung kasama ko, tinulungan kong tumayo tapos binilisan namin yung pagtakbo hangang sa magsawa sila. Mula noon hindi na kami dumaan sa I-Cafe na iyon.

Pero kung natalo yung mga kasama ko sa laro dahil sa nag quit yung mga kalaban nila, matatawag palang nanalo kami sa away dahil sa tinakbuhan namin sila.
Great!!!
Posted by cjaygumi on May 5, 2007 at 09:04 PM | 1 comments
My experience when i was a 4th yr high school

Siya:
Kapatid mo ba yung kausap mo? Kamukha mo e. Bakit siya nandito?

Ako: OO, kinuha nya lang yung transcript nya...for College, sinamahan ko lang.

Siya: Pogi siya. Parang ikaw.Pero mas type kita.

Ako: Wala akong pera?? hehe Joke...(tinitigan ko ulit siya at seryoso sya) ..blushhh

Siya: (nakatitig lang sa mata ko,mga 15 seconds)

Ako: (nakayuko lang) Blussshhhnesss

Siya: Ano bang hinahanap mo sa isang babae?

Ako: Yung..ano..yung..kwan...Basta simple...Oo simpleng babae.(Yuko uli,kunyari may binabasa sa note book)

Siya: Simple?? Ano pa??

Ako: Basta sa akin nalang yun. (nagiisip na baguhin na yung usapan)

Siya: (Titig na naman)

Ako: Ano...Napanood mo ba yung Dragon Ball Z kahapon?? Ang galing ni Gohan matatalo na niya si Cell. Ang galing nga e isang....

Siya: Torpe ka ba??

Ako: Bakit mo naman natanong yan?

Siya: May Girlfriend ka naba? Sabi nila wala pa.

Ako: Its not my priority.

Siya: Bakit naman.

Ako: Wala...isa pa wala na yung love ko..may B.f. na. Tsaka hindi rin ako marunong pumorma tsaka manligaw( ewan kung ito ba yung eksaktong sinabi ko, pero parang ganito narin)..Ahh basta bata pa tayo.

Siya: Hindi ka marunong?? Kahit love letter lang hindi ka marunong gumawa? So its ok for you kung babae manliligaw sa iyo.

Ako: Meron ba nun. (alam na kung saan mapupunta ang usapan)

Siya: Type kita. Gusto mo maging tayo muna..try lang natin, kung mag work ang relationship natin edi okay...Try lang natin.

Ako: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA...

Siya: *Badtip sya*



Posted by cjaygumi on May 5, 2007 at 05:58 AM | Add a Comment
« Newer · »