Simula ng bata ako hangang sa magumpisa ako ng hayskul, nasanay na ako na nagiisa.Ayaw ko nga ng may kalaro,kausap o anupaman na mangangailangan ng kasama.Ako ang tipo ng bata na matatawag mong lonely pero hindi naman malungkot. Nabubuhay ako sa imahinasyon at mas gusto ko pang maupo at manood na lang ng T.V. o magbasa ng libro kaysa maglaro kasama ng mga bata. Oo alam ko ang iniisip mo may sarili nga akong mundo.

          Pero kinain ko rin yung paniniwala kong ito dahil sa hindi ko malaman ka kadahilanan e napabilang ako sa barkadahan ng dalawa,tatlo tapos naging apat na kami. Na hindi ko rin alam kung paano nagumpisa.

           Doon ko naisip na masarap din palang maging bahagi ng isang grupo at naisip isip kong maging friendly na pagtuntong ng college. Hindi na kasi pwedeng magbago ako nung time na iyon dahil nakilala na ako sa pagiging tahimik...at minsan suplado pa nga.

           Ito na!! Nagumpisa akong mag college sa kilalang Engineering school at doon ako nagumpisang makisama(sa matinong paraan).Pero hindi naman naging masyadong makulay ang mundo ko.

          Ewan ko, pero doon ko rin na discover na nagkakaroon lang ako ng mga kaibigan pag prelim,midterm,final exam lang. Minsan may nagiging instant barkada rin ako pag panahon ng quizes at projects.

          Hindi ko nagustuhan ang course ko at bagdesisyon akong lumipat ng school.

          Sinubukan kong kumuha ng kursong Business Administration sa isa Nursing school(Bakit?? Hindi ba pwede???).Okay ang lugar, bagaman medyo mapapailing ka lang sa facilities e hindi naman mukhang haggard at pressured ang mga estudyante.

           Ayos ang ambience.

          Doon ko naisip yung sinabi sa aking ng friend ko nung hayskul na..." Pre, Basta tumingin ka lang sa mata ng mga taong gusto mong maging kaibigan o kahit na sinong tumingin sa mata mo, then sabay SMILE". Sinabi rin niya."Expect mo rin na magmumukha kang tanga , pero ang importante ron e napaalam mong open ka at madaling lapitan".

          "WALASTIK" Ngayon ko alam ko na kung papano nya naging kaibigan ang supladong katulad ko.

           Sinubukan ko...lakad...nakakita ng dalawa..isa ..yung isa classmate ko yung iba hindi, then sabay sabay ko silang ini "SMILE".

           Doon ko napatunayan na totoo yung kaibigan ko.Kaya lang pumalpak yung una nyang sinabi..yung ikalawa ang natupad.Walang naging matinong response at wala akong naging kaibigan sa mga taong ginawan ko ng ganon...pero dahil sa sinabi ko na pumalpak lang naman yung una nyang sinabi ..dahil sa ikalawa sinabi nyang "Pwede rin akong magmukhang tanga" at yun nga ang nakuha ko.

            Dahil na rin sa pangungumbinsi ng Nanay at kuya ko.Nag shift ako ng course. Psychology!!!Tulad na rin ng inaasahan ko. Dito ko rin naisip na dito ako magkakaroon ng mga kaibigan........akala ko.Sinubukan kong maging active, umaatend din ako ng mga meetings na dati e ayaw na ayaw ko.

              Dito ko sinubukang kaibiganin yung isang kaklaseng babae( broken hearted daw) na kabe break pa lang sa dating B.F. Naging close agad kami at yun din ang kauna unahan na nagkaroon ako ng kaibigang babae.Noon kasi hindi ako makatagal ng 30 minutes sa pakikipagusap sa mga babae dahil nababagot ako sa mga kwento nila. Pero sa kanya hindi.

              Nakakatuwa nga dahil 1 month pa lang kami magkakilala e alam ko na ang talambuhay nya. Pero ito. sa hindi malamang kadahilanan e bigla na lang nagtaray at nagagalit sya sa akin.Bukod pa ron kinilala rin ako ng mga kasama kong psych na "Feeling close" daw.  Ewan dahil ata tumatambay din ako sa tambayan nila... yung Guidance office.

             Ibalik ko yung kwento sa friend kong babae. Sinubukan ko siyang tanungin kung ano ba ang problema. At bukod sa pagtataray na sagot e nakatangap pa ako ng text message na. " Dont frce sum1 to be w/u..ok.."

             "SANAMAGAN"(Mala Max Soliven na expression ba??) Ako namimilit?? Nagtanong ulit ako sa kanya pero wala na talaga siyang matinong sagot. Nalaman ko na lang sa course-mate ko na nagbalikan na sila ng B.F. nya.

              Pero para sa akin e okay lang na mangyari ang mga bagay na ito. Dahil na rin bumalik na rin yung orihinal kong paniniwala na hindi para sa akin ang pakikipagkaibigan.

              Tulad ng talento na may kanya kanyang paggagamitan.Gayundin ang personalidad. May kanya kaya ring paglalagayan. At ngayon alam ko na kung ano ang paglalagyan ko.

              Minsan naisip ko. Masaya ba yung mga taong friendly...kasi ayon na rin sa obserbasyon ko minsan mas madalas silang makatangap ng rejection kaysa sa mga tahimik na lang na katulad ko...parang mas maganda.  

Posted by cjaygumi on December 9, 2006 at 03:45 AM | Add a Comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.