Entries for May, 2007

My experience when i was a 4th yr high school

Siya:
Kapatid mo ba yung kausap mo? Kamukha mo e. Bakit siya nandito?

Ako: OO, kinuha nya lang yung transcript nya...for College, sinamahan ko lang.

Siya: Pogi siya. Parang ikaw.Pero mas type kita.

Ako: Wala akong pera?? hehe Joke...(tinitigan ko ulit siya at seryoso sya) ..blushhh

Siya: (nakatitig lang sa mata ko,mga 15 seconds)

Ako: (nakayuko lang) Blussshhhnesss

Siya: Ano bang hinahanap mo sa isang babae?

Ako: Yung..ano..yung..kwan...Basta simple...Oo simpleng babae.(Yuko uli,kunyari may binabasa sa note book)

Siya: Simple?? Ano pa??

Ako: Basta sa akin nalang yun. (nagiisip na baguhin na yung usapan)

Siya: (Titig na naman)

Ako: Ano...Napanood mo ba yung Dragon Ball Z kahapon?? Ang galing ni Gohan matatalo na niya si Cell. Ang galing nga e isang....

Siya: Torpe ka ba??

Ako: Bakit mo naman natanong yan?

Siya: May Girlfriend ka naba? Sabi nila wala pa.

Ako: Its not my priority.

Siya: Bakit naman.

Ako: Wala...isa pa wala na yung love ko..may B.f. na. Tsaka hindi rin ako marunong pumorma tsaka manligaw( ewan kung ito ba yung eksaktong sinabi ko, pero parang ganito narin)..Ahh basta bata pa tayo.

Siya: Hindi ka marunong?? Kahit love letter lang hindi ka marunong gumawa? So its ok for you kung babae manliligaw sa iyo.

Ako: Meron ba nun. (alam na kung saan mapupunta ang usapan)

Siya: Type kita. Gusto mo maging tayo muna..try lang natin, kung mag work ang relationship natin edi okay...Try lang natin.

Ako: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA...

Siya: *Badtip sya*



Posted by cjaygumi on May 5, 2007 at 05:58 AM | Add a Comment
High school pa lang ako noon. Exam namin kaya maaga ang uwian then diretso kami kaagad sa i-cafe para mag Counterstrike. Meron isang barkadahan don na hinamon kami na mag Yuri's Revenge kami, pustahan daw. Ang matatalo e magbabayad ng 500 pesos. Hindi ako sumali...tuloy lang ako sa paglalaro ng counterstrike.

Ito naglaro na sila, habang naglalaro sila e hindi nila alam na nag quit na pala yung kalaban ng mga nila..at ito pa, kine claim nila na sila daw ang panalo.

Sabi nila

" E hindi naman natin pinag usapan kung sino ang mananalo e. Sabi namin kung matatalo nyo kami magbababayad kami, e hindi nyo kami natalo kaya talo kayo".

Marami pang sinabi ang mga mokong at nakumbinsi pa nila yung mga kasama ko na magbayad.

Habang naglalabas ng pera yung mga kasama ko. Hindi ako nakatiis sa pagpapaikot nila kaya nakasagot agad ako.


Ako: "Great!!!! Ngayon ko lang nalaman na pwede palang tawaging Winner ang mga Quitters. So, kung pupunta pala ako ng giyera e tatakbuhan ko nalang yung mga kalaban ko para manalo ako."

Sila: "E gago ka pala e!!! Ang rules nga e kung matatalo nyo kami, e hindi nyo naman kami natalo ah".

Ako: "Adik ka ba? Bakit?? Hindi pa ba pagkatalo yung pag ku quit nyo?? Mag isip nga kayo...ang tatanda nyo pa naman".

Sumagot yung isa.


Gago1: "Sinasagot ka o, pumapalag pa..hindi ka ata kilala".

Gago2: (Nangungulangot lang)

Gago3: (naka tiger look sakin, nagsasalita na siya lang ang nakakaintindi)

Gago4: "Tangna hindi nyo kami kilala huh? Suntukan tayo".

Ako: "First of all, i dont care kung sino kayo...at wala rin akong planong kilalanin kayo...and besides wala rin akong planong mag aksaya ng oras sa inyo.Suntukan? Sa itsura pa lang ng mukha mo luging lugi na ako eh. Kahit ata pasabugin ko yang mukha mo ganyan parin yan. Mayabang ka lang kasi since you have nothing to lose".

Pormang susugurin na ako ni Gago #4.

Bantay ng I-Cafe: "HOY, HOY!! ANO YAN HA. PUTANGNA NYO!!! KUNG GUSTO MAGAAWAY WAG KAYO DITO!!! MAGSILABAS NGA KAYO!!!

Ako: (diretso lang sa paglalaro...hehe kinakabahan na rin ako.)

Lumabas naman sila pero inaabangan kami sa labas.Kaya nang matapos kami e pinalabas kami ng bantay sa kabilang pinto(sa likod). Pero nakita parin kami at hinabol kami, nadapa yung kasama ko, tinulungan kong tumayo tapos binilisan namin yung pagtakbo hangang sa magsawa sila. Mula noon hindi na kami dumaan sa I-Cafe na iyon.

Pero kung natalo yung mga kasama ko sa laro dahil sa nag quit yung mga kalaban nila, matatawag palang nanalo kami sa away dahil sa tinakbuhan namin sila.
Great!!!
Posted by cjaygumi on May 5, 2007 at 09:04 PM | 1 comments
« 2007/04 · 2007/06 »