Entries for February, 2018

Lahat tayo familiar sa kasabihang "birds on the same feather, flock together". But are they really same in the first place? Or na adopt lang nila yung may pinaka strong na personality or majority ng ugali ng isang group?

Bilang tao, we are tend to mimic or adopt on our environment. Sabi nga, "your kind of friends will define who you are". Kasi dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari. Either na maging katulad ka nila or sila ang maging katulad mo. So paano nakaa apekto ito sa problema sa pagibig, sa ugali at sa sarili mo.

1.) BROKEN HEARTED PEOPLE - Madalas meron nakakaranas nito sa grupo. The problem is, kung nag sabay sabay at majority sa inyo e may problema sa pagibig. Nagka break up, may lokohan na nangyayri etc. Minsan kung mahina ka, kahit may maayos na pagsasama kayo ng bf/gf mo, there's a strange feeling na parang hindi mo maintindihan at lahat ng pangit na ugali na dati e maliit na bagay sayo e parang biglang na ma magnify. Lumalaki which nag ke create ng worry and sad to say, pwedeng maging cause ng tinatawag na "faded love". Then eventually, lahat or most of you sa grupo ay nagiging single.

2.) BEASTMODE PEOPLE- Usually walang effect pag isa lang ang "siga" sa grupo. Pero pag naging dalawa yan or more malaking bagay yan. Madalas mapapaaway ka dahil sa grupo mo then eventually magiging tulad ka rin nila hanggang sa mag mukha na kayong gang.

3.) HAPPY PEOPLE- Masaya pag may ganito sa grupo. Yung tipo na lahat kayo e boring na tao tapos nasamahan kayo ng isang mahilig mag hiking, mag happy hour sa bar or kahit anong masayang trip. Sila yung mangungulit na magkaroon kayo ng galaan or gimik tapos sasama kayo kahit ayaw nyo. Then eventually, mapapansin nyo sa sarili nyo na masaya pala na magkaroon ng regular na activity. Then hanggang sa lahat na kayo e regular na lumalabas at may masayang grupo.

4.) TOXIC PEOPLE- Ito yung mga tao na masyadong negative. Mahilig sa mapanirang tsismis. Yung mga taong masyadong emo at may sama ng loob sa mundo. Usually automatic iniiwasan sa grupo pero minsan may epekto din lalo na pag hindi lang siya nag iisa. Kahit anong positibo mo kung ganito naman makakasama mo. Sa huli magiging katulad ka rin nila.

Reference:

"Depression is Contagious by Michael Yapkho"

"Emotions are contagious, choose your company wisely- Psychology today (Oct 20, 2012)

"Proverbs 22:24-25"

Posted by cjaygumi on February 17, 2018 at 04:47 AM | Add a Comment