Entries for June, 2014

Spoiler Alert:


Bong Revilla the Movie


Episode 1: (Now Showing) Just turn on the TV na lang. 

Episode 2: Idadahilan ang init, daga, ipis kaya magkakasakit sya then ma o ospital siya at mag rerequest sila ng hospital arrest. Mag pa party sila sa loob ng selda pero sisitahin sila ng public at media. Dahil dyan, gagawa ng ingay at magagalit yung mabait, tahimik at hindi ganon ka popular na Senador na itago na lang natin sa pangalang "Mirriam Santiago" . I da dahilan na lang nila na Christian fellowship yun at hindi party since na yun lang ang pinapayagan. The same reason na ginamit ni Deniece Cornejo which is epektib naman.

Episode 3: Aatend siya ng trial na naka wheel chair at lalabas na nanghihina at inaapi. Tapos magsasalita sya sa hearing ng mga nakakaiyak na script, then habang nagsasalita siya, ifo focus sa camera si Lani at family nya na todo naman ang suporta then umiiyak ulit si Lani Mercado at mga anak nya which is acceptable naman, need kasi yun para mapaganda yung istorya. 

Episode 4: Makukulong siya pero may patago na special treatment. Palalabasin nya na lang na pangit yung kulungan at may mga daga para hindi lumabas na binibigyan siya ng pabor. Then makukulong yung dalawa pa then iiyak ulit si Lani Mercado na humihingi ng favor na sa ospital ilagay yung asawa nya...... Si Enrile kasi at that time e gagamitin ng family nya yung katandaan nya kaya expected na malamang sa Ospital siya ilagay. Maiingit si Lani dun at iiyak.

Episode 5: 2016 Presidential Election na. Mananalo si Binay sa pagka Presidente na ka alyado nila Estrada at ni Revilla. Then mababaligtad yung kaso or ma abswelto or kung na convict man sila, bibigyan sila ng pardon. Tapos iiyak sa tuwa sila Bong at Lani.  Magyayakapan sila sa harap ng media na parang nangyayari pag malapit ng matapos ang pelikula. Magpapasalamat si Bong sa mga sumusuporta sa kanila at gagawa pa siya ng pasasalamat na MTV.  Happy Ending!!!!!

Ang saya!!!!!!!!

Posted by cjaygumi on June 21, 2014 at 09:17 PM | 1 comments
« 2011/11 · 2018/02 »